History

Kasaysayan ng Parañaque Central United Methodist Church

PAMBUNGAD

Ang kasaysayan ng Parañaque Central United Methodist Church ay nagpapakita ng mga kaganapan mula sa pagkakatatag ng Iglesya na tinatampukan ng mga nadistinong pastor, diakonesa at mga miembro na nagbigay ng kanilang panahon, talento at salapi upang mapalago ang Iglesya ayon sa kalooban ng Diyos.

Agosto 11, 1985- Linggo

Sa tahanan ng mga Vallejo sa Naples St., BF Homes Parañaque nagsimula ang pagmimisyon ng limang lalaking mananampalataya mula sa Martyrs Memorial UMC na ang layunin ay magpajhayag ng slaita ng Diyos sa Sucat, Parañaque. Ito ay tinawag na ACTS (Apostles of Christs Towards Salvation) na binubuo nina +Rev. Tomas Camazo, Jose Gatchalian, Franklin Calicdan, Edwin Galvez at Engr. Pol Penetrante.

Unang Linggo ng Setyembre, 1985

Inilipat ang Gawain sa talyer ng Cruz Compound na pag-aari ni G. Estanislao Feliciano Jr. walong pamilyang nanirahan sa Sucat, Parañaque ang mga unang naging kaanib sa Gawain ito. Sila ay ang pamilyang Estanislao Feliciano Jr., Federico Feliciano Sr., Apolonia Penetrante, Emmanuel Ramos, Jupiter Rodriguez, Dominador Romero, Engr. Cris Villanueva, at Novie Amar. Namahagi ng ilang Biblia sa mga dumalo ng Bible Studies at dahil ditoay nagsimulang mamunga ang mga gawain..

Naging katulong ni Rev. Tomas Camazo si Pastor Forunato Caliz, isang mag-aaral sa seminaryo. Subalit hindi nagtagal ang kanyang paglilingkod kaya’t sina Gng. Teresita Camazo at Engr. Pol Penetrante ang nagpatuloy ng Gawain. Paminsan-minsan si Pastor Simeon Rodriguez, ama ng magkapatid na Gomer at Jupiter Rodriguez ang naiimbitang tagapagsalita.

Abril 12, 1986

Unang kinilala ang bagong tatag na iglesya na pinangalanang Parañaque Central United Methodist Church sa Charge Conference sa Martyrs Memorial UMC

Mayo, 1986

Pinagtibay ang pagkakatatag ng Parañaque Central United Methodist Church sa West Metro Manila District Conference at Philippines Annual Conference.

Unang Anibersaryo

Abril, 1987 ginanap ang unang anibersaryo ng PCUMC. Nagkaroon ng evangelistic rally sa Cruz Compound. Si District Superintendent Marcelino Casuco ang naghatid ng Mabuting Balita. Si Bishop Emerito P. Nacpil naman ang naging tagapagsalita sa umagang pananambahan.

Bilang isang ganap na iglesya lokal, unang nadestinong pastor ang masipag at dedikadong manggagawa-Rev. Rodolfo A. Juan. Si Bb. Rhoda Rodriguez, isang student deaconess, ang kasama niya sa pagpapasigla ng Gawain at ng mga organisasyon. Si Engr. Pol Penetrante ang unang chairperson ng Administrative Council.

Agosto 2, 1987

Pinangunahan ni Pastor Rodolfo Juan ang Ground Breaking sa Sampaguita Circle, Salavador Estate, Sucat, Parañaque. Dinaluhan ito nina Obispo Paul Locke Granadosin, Ulipiano de Pano, Dr. Pablo R. Olivarez, at Judge Francisco Llamas.

Sa pagtutulungan ng buong Iglesya, ang lupa ay nabili ng hulugan sa halagang 253,900 mula kay Cesar Capistrano. Pumirma sa Deed of Sale sina Bishop Emerito P. Nacpil at Cesar Capistrano. Naging saksi sa bilihan sina Rev. Rodolfo Juan, Federico Feliciano Sr., at Judge Francisco Llamas. Dalawang libo bawa’t buwan ang inihulog ng Iglesya kay Judge Llamas bilang kabayaran sa lupa.

Sa pakikipagtulungan ng mga kasapi at sa halagang P60,000 ay sinimulan ang pagawain. Ang yero ay ipinagkaloob ni Dr. Pablo Olivarez, ang altar ay ipinagkalob ni Councilor Manuel de Guia, at ang mga upuan ay mula sa nakalap na pondo sa loob at labas ng Iglesya.

Disyembre 13, 1987

Naganap ang unang pananambahan sa bagong tayong Parañaque Central UMC sa Sampaguita Circle, Salvador Estate, Parañaque

1990

Itnatatag ang Day Care Center bilang Outreach program ng Iglesya na binubuo ng 7 mag-aaral

1991

Pinangalanan ang Day Care na Joyful Kiddie Learning Center (JKLC). Si Bb. Adelle Niza Marcelo ang KE/CE Deaconess.

Pinasimulan na rin ang DVCS.

Sacrificial Dinner- panauhin ay si Sen. Jovito Salonga. Ang dinner ay sa pamumuno ni G. Arman Bawan. Ang nalikom na pondo ay ginamit para sa flooring ng kapilya at Kindergarten room.

Nakabili rin ng piano sa taong ito, sa pangangasiwa ng WSCS, Gng. Demetria Suratos, Poleng Penetrante at Dra. Gloria Lacson.

Nabakuran din ang paligid ng lote sa pagtutulungan ng UMM at WSCS

1992

First Christmas Concert sa pangunguna ni Bb. Leah Lumba (student deaconess).

1993-1994

Unang nabuo ang Praise and Worship team na pinangunahan ng UMYF.

Jovani Serafica (drummer)

Jay Bawan (guitarist)

Zaida Garcia (Worship Leader)

Singers: Agnes Comelio, Kristine Bawan, Bong Rodriguez at Cherylyn Cortez

1999

Sinuportahan ng PCUMC ang Victoria UMC bilang kanyang misyon.

2001

Ang dating Joyful Kiddie Learning Center ay nairehistro sa SEC bilang Parañaque Central Ecumenical Learning Center (PCELC), at si kapatid na Agnes Comelio ang guro.

2002

Naitatag ang Youth JAM (Youth, Jesus and Me) bilang bahagi ng campus ministry. Pinangunahan ito ni Diyakonesa Remy Pablo at kapatid na Gomer Rodriguez. Ang mga estudyante ng Parañaque National High School ang naging pakay ng gawaing ito.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: